Allied Works

Publishing

Almayrah Tiburon

Si Dr. Almayrah Abbas Tiburon ang umakda ng “Terminal” at “Terminal 2” ay may e-book version din ito. Nalimbag ang dalawang sanaysay niyang “Sa Puso ng Babaeng Meranaw” at “Kawing” sa antolohiyang Danas: Mga Pag-aakda ng Babae Ngayon, Gantala Press, na naging kasama sa The Best Books of 2010s / The Decade in Filipino Books ni Adam David at ng CNN Philippines. Siya ang may-akda ng “Sa Puso ng Babaeng Meranaw sa Marawi” na nalimbag sa librong Laoanen: Kababaihan / Digmaan / Kapayapaan, Gantala Press. Isa sa editor ng Lawanen 2: Mga Alaala ng Pagkubkob, Mga Haraya ng Pag-igpaw, Gantala Press, at may tula siya rito na “Panggagahasa” dahil itinuring ang Marawi bilang babaeng ginahasa nang walang kalaban-laban, at kasama ang
librong ito sa Best Books in 2018 ng CNN Philippines. Siya ang nagsalin sa Meranaw na “Sii Ko Pageletan Ta” na tula ni Mark Angeles na Sa Pagitan Natin na nalimbag sa librong Wasakan ng Puso, 8Letters. Nalimbag ang akdang “Ang Pagbubuntis sa Gitna ng Giyera” sa librong Umaalma, Kumikibo, Gantala Press. Siya ang may-akda ng librong “Thotholan: Mga Alamat at Pabulang Meranaw”, Rex Bookstore. Siya rin ang may-akda ng librong “Salamin At Iba Pang Panglaw”, Isang Balangay Media Productions, na napili para sa National Book Awards 2019 na makasama sa 5 Best Books in Short Fiction in Filipino. Ang librong ito ay kasama rin sa Top 3 Finalists ng Filipino Readers’ Choice Awards 2022, at nakakasama rin sa Manila International Book Fair. Editor din siya ng Marawi section ng antolohiyang Ani 40: Katutubo na nilimbag ng Cultural Center of the Philippines kung saan may mga artikulo rin siya rito gaya ng “Pagninilay”, “Ang Panggagahasa”, at “Lahing Meranaw, Yaman ng Lahing Pilipino”. Kasama ang tula niyang “Kahit Matanda Ako” at sanaysay niyang “Lahing Meranaw, Yaman ng Lahing Filipino” sa antolohiyang Mindanao Harvest 4: A 21st Century Literary Anthology na nilimbag ng Far Eastern University na nanalo bilang Best Anthology in English sa National Book Awards 2022. Kasama rin siya sa walong napiling manunulat ng Mindanao na ininterbyu para sa librong Songs Sprung from Native Soils, Xavier University Press, nanalo ang librong ito bilang Best Book of Literary History in English sa National Book Awards 2022. Ang sanaysay niyang “Pagluluwal” ay nalimbag din sa librong In Certain Seasons: Mother Write in the Time of COVID na nilimbag ng Cultural Center of the Philippines. Nalimbag ang kanyang kwentong “Bangkang Papel”, sanaysay na “Corona Virus”, at kwentong “Ang Paghihintay” sa national magazine na Liwayway sa magkakaibang issue. Kasama ang kanyang tulang “Ina sa Gitna ng Pandemya”, “Pandemya”, at “Tawag ng Simura” sa UP Diliman Journal na LIKHAAN, 3rd Issue: Philippine Literature in the Time of COVID19 na nilimbag ng University of the Philippines Press. Nalimbag ang kanyang mga tulang “Lapastangan”, “Kalinga ng Ina”, “Magkasalo” sa Ang Lagablab. Kasama ang kanyang maikling kwentong “Kata-o” sa Bangsamoro Literary Review (1st Issue), at may English translation din ito. Sa parehong publisher, nalimbag ang kanyang mga sanaysay na “Bleeding” sa 6th issue, ang “Baby Girl” sa 7th Issue, ang “Daigdig ng Isang Ina” sa 8th issue, “Wedding Ring” sa 9th Issue, “Lapis” sa 10th Issu, at Talak, 11th Issue. Muling nalimbag ang maikling kwento niyang “Kata-o” sa librong Panumtuman: Anthology of 21st Century Bangsamoro Literature na nilimbag University of Southeastern Philippines kung saan ay kasama sa Finalist sa Best Anthology in English ng National Book Awards 2025. Ang kanyang maikling kwentong “Langilaw” ay nailimbag din sa Asian Literature “YUMO” ng Japan Foundation kung saan may salin na ito ngayon sa Ingles, Japanese, at kalaunan ay isinalin na rin sa Vietnamese. Kasama rin ang kanyang sanaysay na “Keyboard at Breastfeed” sa librong Aruga: Mga Sanaysay ng Pagtanggap at Paglingap na nilimbag ng University of Santo Tomas Publishing House, muling nalimbag ang sanaysay niyang ito sa Signos: Anthology of 21st Century Filipino Fiction on Dark Lore and the Supernatural, at naisalin naman ito sa Ingles at nalimbag sa isang international journal na Asymptote Journal. Nalimbag naman ang kanyang sanaysay na “Ang Ina at Ang Martial Law” sa librong BioLente: Mga Bagong Katha sa Danas ng Dahas at Banwa na nilimbag ng University of the Philippines Press na naging kasama sa Finalist sa Best Anthology in Filipino sa National Book Awards 2024. Nalimbag din ang “Mga Liham nina Almayrah Tiburon at Marivi Soliven” sa librong Sulatan sa Panahon ng Pandemya, Gantala Press. Kasama rin ang kanyang akdang “Ina, Guro, at Pandemya” sa librong Sakit, Pasakit, at Malasakit: Pagkatha ng Pandemya sa Pilipinas na nilimbag ng The University of the Philippines Pess at kasama sa Finalist sa Best Anthology in Filipino sa National Book Awards 2025. Noong 2025, ang kanyang librong “Mga Danas” ay nilimbag ng MSU-Meranaw Cultural Heritage Center Press. At nitong Abril 2026 ay kasama ang kanyang tatlong dagli: Agos, Himig ng Liwanag, at Anino ng Salapi sa Agos, Tomo VII, UP Diliman Journal.
Ang mga pananaliksik naman na kanyang nalimbag ay “Co-Author, Comprehensive Study of the Policy Framework of Lake Lanao, the Philippines, Using the Analytic Hierarchy Process”, SCOPUS-indexed journal of the Department of Science and Technology (DOST), April 2026, “Supremacist Ideology Theory sa mga Piling Tula”, AJOOSH, Mindanao State University, Marawi City, 2018, “Umiiral na mga Pagdidisiplina ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak sa mga Maikling Kwento”, CSSH Graduate Research Journal, Volume 9 Number 1, January-June 2017, at “Ang Lakas ng Kababaihan sa Lupit ng Lipunan sa mga Piling Tula”, CSSH Graduate Research Journal, Vol. 8 Number 1, January-June 2016,

Dalawang beses tumanggap ng parangal na Gawad Ongangen sa MSU-CSSH, Marawi. Bilang manunulat at guro ay tumanggap din ng parangal sa national na “Kampeon ng Wika 2024” na iginawad sa kanya ng Komisyon sa Wkang Filipino sa Dusit Thani Hotel, Makati noong Agosto 19, 2024. Naging kabilang siya sa “10 Noteworthy Filipina Writers” ng spot.ph. Ibig niyang ipakilala sa kanyang mga akda na ang mga Meranaw ay may makulay, dakila, at makasaysayang kultura’t tradisyon. Siya ang direktor ng MSU – Sentro ng Wika at Kultura, Marawi City at siya ay faculty member ng Departamento ng Filipino At Iba Pang Wika, Mindanao State University, Marawi City.

Awards

Kampeon ng Wika 2024

Fellowships

Workshop sa Malikhaing Pagsulat, MSU Marawi, 2025

Literary Works

1. Agos, Tomo VII, 2026, UPD Journal
2. Himig ng Liwanag, Tomo VII, 2026, UPD Journal
3. Anino ng Salapi, Tomo VII, 2026, UPD Journal
4. Comprehensive Study of the Policy Framework of Lake Lanao, the Philippines, Using the Analytic Hierarchy Process, Co-Author, SCOPUS-indexed journal of the Department of Science and Technology (DOST), April 2026.
5. Talak, Bangsamoro Literary Review, 11th Issue.
6. Lapis, Bangsamoro Literary Review, 10th Issue.
7. Wedding Ring, Bangsamoro Literary Review, 9th Issue.
8. Daigdig ng Isang Ina, Bangsamoro Literary Review, 8th issue.
9. Mga Danas, book, Meranaw Cultural Heritage Center Press, 2025.
10. Corona Virus in Sakit, Pasakit, at Malasakit: Pagkatha ng Pandemya sa Pilipinas, University of the Philippines Press, 2025, Finalist sa Best Anthology in Filipino sa National Book Awards 2025.
11. Kata-o in Panumtuman: Anthology of 21st Century Bangsamoro Literature, 2024, University of Southeastern Philippines, Finalist sa Best Anthology in English ng National Book Awards 2025.
12. Baby Girl, in Bangsamoro Literary Review, 7th Issue, October 2024.
13. Bleeding, Bangsamoro Literary Review, 6th issue.
14. Paghihintay in Liwayway Magazine, June 2024.
15. Bleeding in Bangsamoro Literary Review, Issue 6, May 2024.
16. Sii Ko Pageletan Ta in Wasakan ng Puso by Mark Angeles, 8Letters, 2024.
17. Keyboard at Breastfeed in:
a. Aruga: Mga Sanaysay ng pagtanggap at Paglingap, University of Santo Tomas Publishing House, 2022.
b. Asymptote Journal (English Version, International Journal) – Issue January 2024
18. Kata-o in Signos: Anthology of 21st Century Filipino Fiction on Dark Lore and the Supernatural, 2022.
19. Ang Ina at Ang Martial Law in BioLente: Mga Bagong Katha sa Danas ng Dahas at Banwa, The University of the Philippines Press, 2022.
20. Langilaw in Asian Literature Project: YOMU, Asia Center, Japan Foundation, 2022.
21. Mga Liham nina Almayrah Tiburon at Marivi Soliven in Sulatan sa Panahon ng Pandemya, Gantala Press, 2022.
22. Lapastangan in Ang Lagablab, 2022
23. Kalinga ng Ina in Ang Lagablab, 2022.
24. Magkasalo, in Ang Lagablab, 2022.
25. Mga Sulat nina Marivi at Almayrah Tiburon in Sulatan sa Panahon ng Pandemya, Gantala Press.
26. Kata-o in Bangsamoro Literary Riview (BLR), Vol. 1, 2021.
27. Ina sa Gitna ng Pandemya, 3rd issue of Likhaan’s Dx Machina: Philippine Literature in the Time of COVID-19, The University of the Philippines Press, 2021.
28. Pandemya, 3rd issue of Likhaan’s Dx Machina: Philippine Literature in the Time of COVID-19, The University of the Philippines Press, 2021.
29. Tawag ng Sikmura, 3rd issue of Likhaan’s Dx Machina: Philippine Literature in the Time of COVID-19, The University of the Philippines Press, 2021.
30. Corona Virus, Liwayway Magazine, November 1-15, 2020 Issue.
31. Ang Pagluluwal in an anthology, In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID, Cultural Center of the Philippines Press, 2020.
32. Kahit Matanda Ako in an anthology, Mindanao Harvest 4: A 21st Century Literary Anthology, Far Eastern University Publications, 2019.
33. Lahing Meranaw in an anthology, Mindanao Harvest 4: A 21st Century Literary Anthology, Far Eastern University Publications, (Best Anthology in English, National Book Awards 2022).
34. Yaman ng Lahing Filipino in an anthology, Mindanao Harvest 4: A 21st Century Literary Anthology, Far Eastern University Publications, (Best Anthology in English, National Book Awards 2022).
35. Salamin At Iba Pang Panglaw, book, Isang Balangay Media Productions, 2018. (Finalist, Best Books in Short Fiction in Filipino, National Book Awards 2019 and Top 3 Finalists ng Filipino Readers’ Choice Awards 2022).
36. Pagninilay in an anthology, Ani 40: Katutubo, Cultural Center of the Philippines, 2018.
37. Ang Panggagahasa in an anthology, Ani 40: Katutubo, Cultural Center of the Philippines, 2018.
38. Lahing Meranaw, Yaman ng Lahing Pilipino in an anthology, Ani 40: Katutubo, Cultural Center of the Philippines, 2018.
39. Supremacist Ideology Theory sa mga Piling Tula, AJOOSH, Mindanao State University, Marawi City, 2018.
40. Ang Pagbubuntis sa Gitna ng Gyera in Umaalma, Kumikibo, Gantala Press, 2018.
41. Panggagahasa in an anthology, Lawanen: Mga Alaala ng Pagkubkob / Mga Haraya ng Pag-igpaw, Gantala Press, Inc., 2018. (Best Books in 2018 ng CNN Philippines.)
42. Umiiral na mga Pagdidisiplina ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak sa mga Maikling Kwento, CSSH Graduate Research Journal, Volume 9 Number 1, January-June 2017
43. Sa Puso ng Babaeng Meranaw sa Marawi in an anthology, Laoanen: Kababaihan / Digmaan / Kapayapaan, Gantala Press, Inc., 2017
44. THOTHOLAN: Mga Alamat at Pabulang Meranaw, book, Rex Bookstore, September 2017
45. Ang Lakas ng Kababaihan sa Lupit ng Lipunan sa mga Piling Tula, CSSH Graduate Research Journal, Volume 8 Number 1, January-June 2016
46. Sa Puso ng Babaeng Meranaw in an anthology, Danas: Ang Pag-aakda ng Babae Ngayon, Gantala Press, Inc., December 2016.
47. Kawing in an anthology, Danas: Ang Pag-aakda ng Babae Ngayon, Gantala Press, Inc., December 2016.
48. Bangkang Papel, Liwayway Magazine, June 29, 2015
49. TERMINAL 2: KABILUGAN NG BUWAN (Collection of Short Stories), book, Balangay Productions, Manila, 2013. (Have e-book version aside from hard copy)
50. TERMINAL (Collection of Short Stories), book, Ivory Printing and Publishing, Iligan City, 2012. (Have e-book version aside from hard copy)
51. Lyricist, HIMNO NG PIS, Hymn of Philippine Integrated School Foundation Incorporated – Marawi City, Ivory Printing and Publishing, Iligan City, 2010.
52. Pandangan Ko Ilmo, Ivory Printing and Publishing. Iligan City, April 2010, Volume 1.

About this Site

It is UP Likhaan’s mission to stimulate writers from all parts of the Philippines to create and contribute to national cultural development; and to assert the leadership of the UP in creative writing and in the formation of policies and programs related to the development of Philippine culture and literature.

Find Us

Likhaan: the UP Institute of Creative Writing
Room 3200, Pavilion 3, Palma Hall
Roxas Street, UP Diliman, Quezon City 1101