Si Alpine Christopher Patio Moldez ay nagtapos ng AB Communication Arts sa University of Santo Tomas (UST). Bahagi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), isang samahan ng mga makata, at nagsilbing katuwang nito sa Komunikasyon. Naging fellow siya sa mga palihang tulad ng Ika-10 Amelia Lapeña-Bonifacio Writers Workshop (2026), Ikatlong Palihang Rene O. Villanueva (2025) at ng kauna-unahang UST National Writing Fellowship (2024). Kinilala ng mga institusyong tulad ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman at Komisyon sa Wikang Filipino ang ilan sa kaniyang mga akda. Mababasa siya sa The Varsitarian (UST), Agos (SWF-UP Diliman), Kawíng (PSLLF), at Kritika Kultura (AdMU).