Si Gine Mae L. Lagnason ay isang guro, manunulat, at tagapagsalin mula sa Central Mindanao University. Nagtapos siya ng Master of Arts in Philippine Studies–Language, Culture, Media sa De La Salle University-Manila. Kinilala ang kanyang ambag sa pagsasalin sa pamamagitan ng Gawad Rolando S. Tinio sa Tagasalin (Kategoryang Nobela) ng National Commission for Culture and the Arts noong 2022.
Sa pagitan ng pagtuturo at pagsusulat, nananatili siyang tagapagtanong: Paano binubuo ng wika ang ating realidad? At paano natin ito muling binubuo sa pamamagitan ng panitikan?