Davidson L. Banquil ay isinilang sa San Marcelino, Zambales. Kasalukuyang guro sa Sto. Tomas National High School, Subic, Zambales. Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education Major sa Filipino sa President Ramon Magsaysay State University, San Marcelino, Zambales (dating Ramon Magsaysay Technological University) at Master of Arts in Education Major sa Filipino sa President Ramon Magsaysay State University, Iba, Zambales.
Sariling sikap na natutong magsulat ng awit, magpinta, gumuhit. Bumubuo ng Zines na naglalaman ng mga akdang pampanitikan at likhang sining na may kinalaman sa mga isyung pangkalikasan, at sosyo-politikal.