Allied Works

Editing 

Ortiz, Will P., Rowena Festin, Maricristh Magaling at Vladimeir Gonzales, eds. Liwanag at ItimAntolohiya ng mga Malikhaing Akda na Alay sa Alaala ni Teresita G. Maceda. UP Press, 2022.

Ortiz, Will P., Rowena Festin, Maricristh Magaling at Vladimeir Gonzales, eds. Liwanag at Itim IIAntolohiya ng mga Kritikal na Akda na Alay sa Alaala ni Teresita G. Maceda. UP Press. 2024

Ortiz, Will P.  Mary Jane Rodriguez-Tatel, at Elyrah Salanga Torralba. Sakit ng Kalingkingan: Patograpiya ng Katawan, Damdamin, at Isipan.  UP Press, 2026.

Evasco, Eugene Y. at Will P. Ortiz, eds.  Balang-araw, Bulalakaw: Antolohiya ng mga tula at Kuwentong Pambata. Philippine Writers Series, Institute of Creative Writing at UP Press, 2026.

 

Will P. Ortiz

Nagtuturo si Will sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman sa larangan ng Malikhaing Pagsulat.  Nagkamit na siya ng mga parangal mula sa Palanca Memorial Awards at ang kanyang aklat na Bugtong ng Buwan at Iba pang Kuwento (UP Press, 2011) ay nagawaran ng Madrigal-Gonzalez First Book Award, mga maiikling kuwento ukol sa batang manggagawa. Nakatutok sa tinatawag niyang kagila-gilalas na realismong bayan ang kanyang mga panulat tulad ng  Ang Pagbabalik ni Maria Makiling Unang Aklat (UP Press 2015),  Si Maria Makiling at ang Alamat ng Animas Anya (UP Press, 2018), Ikalawang Aklat, Ang Lihim ng Lagusang Dalem (UP Press, 2024) at ang huli sa tetralohiya ng mga nobelang Makiling—Si Maria Makiling sa Sinapupunan ng Hukluban ay nailathala ngayong 2025.

Isisilang din ngayong taon ang nobelang Mito/s, YA nobela ukol sa kasaysayan at kapangyarihan. Gayundin, inaasahang mailunsad ang antolohiya ng mga sanaysay/malikhaing di-piksiyon ukol sa patograpiya, ang Sakit ng Kalingkingan: Patograpiya ng Katawan, Damdamin at Isipan. Isa siya sa mga editor ng antolohiyang ito.

Tagapamahalang Opisyal si Will  sa Sentro ng Wikang Filipino-UPD. Naging kawaksing editor siya ng mga dyornal na Agos at Daluyan ng SWF.

Nalathala na rin ang kanyang mga artikulo ukol sa panitikang pambata rito at sa labas ng bansa. Nakatuon ang kanyang mga panulat at pananaliksik sa usapin ng bata, babae, bayan at ang kagila-gilalas.

Awards
Fellowships
Literary Works

Ortiz, Will P. Bugtong ng Buwan at Iba pang Kuwento. Quezon City: University of the Philippines Press, 2011.

Ang Pagbabalik ni Maria Makiling Unang Aklat (UP Press 2015)  

Si Maria Makiling at ang Alamat ng Animas Anya (UP Press, 2018) Ikalawang Aklat 

Ang Lihim ng Lagusang Dalem (UP Press, 2024) 

Si Maria Makiling sa Sinapupunan ng Hukluban (2025)

Mito/s. Philippine Writers Series, Institute of Creative Writing at UP Press, 2026.

 

About this Site

It is UP Likhaan’s mission to stimulate writers from all parts of the Philippines to create and contribute to national cultural development; and to assert the leadership of the UP in creative writing and in the formation of policies and programs related to the development of Philippine culture and literature.

Find Us

Likhaan: the UP Institute of Creative Writing
Room 3200, Pavilion 3, Palma Hall
Roxas Street, UP Diliman, Quezon City 1101