Makata at manggagawa sa isang pribadong kompanya, si Renz Rosario ay tubong Novaliches, Quezon City. Siya ay naging fellow ng Palihang LIRA 2018 at ng 27th Iligan National Writers Workshop para sa tula sa Filipino. Dati siyang tumayo bilang Supremo ng BAON Collective. Kasapi siya ng Kaisahan ng Artista at Manunulat na Ayaw sa Development Aggression (KAMANDAG) at ng Damdaming Nakapaskil. Nailathala na rin ang kaniyang mga akda sa samot-saring zine at digital publication, kabilang na rito ang sa Katitikan: Literary Journal of The Philippine South, sa Aklatang Bayan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, at sa Journal ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas – UP Diliman. “Sinomang humahalakhak ay hindi pa nagigimbal sa masamang balita,” paborito niyang sipi mula kay Bertolt Brecht.