Si Redwin Dob ay isang taga-bulkan. Nagmula siya sa Irosin, Sorsogon. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Secondary Education, Major in English sa Veritas College of Irosin kung saan nagsilbi rin siyang Associate Editor ng The Truth Publication, ang opisyal na pahayagan nito. Natanggap na rin sa ilang antolohiya tulad ng Surat a Naggapo, Brave New Words, at iba pa ang kaniyang mga tula. Nagwagi siya ng Ikalawang Gantimpala sa Premyong LIRA 2023.