Ronel I. Osias

Mula Bulacan, tubong Rizal. Kasapi si Ronel Osias ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at Midnight Collective. Naging fellow sa 23rd IYAS La Salle National Writers’ Workshop (2024), Palihang LIRA (2021), SPEAK-UP! Spoken Word Poetry Workshop ng PETA Lingap Sining (2020), at ng LIYAB: Spoken Word Poetry Workshop (2018). Nagawaran bilang isa sa mga Pinakamahusay na Manunula sa SPEAK-UP! Spoken Word Poetry Workshop ng PETA Lingap Sining (2020), at nagwagi sa Tula Tayo 2023 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nailathala noong 2019 ang Danas na kaniyang unang koleksiyon ng mga tula bilang self-published. Napabilang, at mababasa ang kaniyang mga akda sa Liwayway Magazine, Santelmo ng San Anselmo Publication, Inc., antolohiyang To Let The Light In ng Sing Lit Station sa Singapore (2022), Lagda Journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (2021), Katitikan: Literary Journal of the Philippine South (2021), Ilahas I ng Ilahas (2021), Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda (2021), Mabaya: Mga Tula ng Galit at Pangamba ng 7 EYES Production ta (2020), Pitong Pantig, Pintig, at Pagitan ng NCCA (2020), Talinghaga ng Lupa: Mga Tula ng Gantala Press (2019).

Award
  • Pinakamahusay na Manunula 2020, PETA Lingap Sining
  • Tula Tayo 2023, Komisyon sa Wikang Filipino
Fellowship
  • The 23 rd IYAS La Salle National Writers’ Workshop 2024 De La Salle University
  • Palihang LIRA 2021 Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo
  • SPEAK-UP Spoken Word Poetry Workshop 2020 PETA Lingap Sining
  • Liyab: Spoken Word Poetry Workshop 2018 The Artidope
Literary Works

About this Site

It is UP Likhaan’s mission to stimulate writers from all parts of the Philippines to create and contribute to national cultural development; and to assert the leadership of the UP in creative writing and in the formation of policies and programs related to the development of Philippine culture and literature.

Find Us

Likhaan: the UP Institute of Creative Writing
Room 3200, Pavilion 3, Palma Hall
Roxas Street, UP Diliman, Quezon City 1101