Si G. Precioso M. Dahe Jr ay dalawangpu’t anim na taong gulang. Siya ay dating pampublikong guro sa Kinawe National High School at nagturo din sa Bukidnon State University, Malaybalay City, Bukidnon, at sa kasalukuyan, nagtatrabaho sa Media and Public Relations Office UP System bilang Senior Research Asspociate. Siya ay isang tubong Higaunon ng Bukidnon mula sa udtuhang bahagi ng Sumilao. Nagsimula siyang maging kalahok, bilang mag-aaral sa kolehiyo, sa (MASTS) Mindanao Association of State Tertiary Schools: (Pagsulat ng Sanaysay 2015, Ikaapat na Gantimapala), (Pagsulat ng Sanaysay 2016, Ikatlong Gantimpala) (PASUC) Philippine Association of State Tertiary Schools (Pagsulat ng Sanaysay 2017, Ikatlong Gantimpala). Nagkampeon ng pangalawang beses sa (KWF) Komisyon sa Wikang Filipino (Mananaysay ng Taon 2019 at 2022) at nagkamit ng ikatlong gantimpala sa parehong timpalak noong 2020 at 2024. Nagkampeon rin Gawad Benvienido Lumbera ng NCCA-NCLA 2022, kategoryang Personal na Sanaysay, kampeon sa Six Word Story Writing Competition 2022 ng Pundok Katitikan, UP Cebu, at kampeon sa Dapitsuwat sa Lamdag 2022 ng MSU IIT, kategoryang Sanaysay. Nagwagi sa Tula Tayo (Dalit) 2021 ng KWF, Napasama sa shortlist ng (PNUGCD) Philippine Normal University Gender and Development Awards (2021) sa Sanaysay. Sinubukan niya rin ang maging isang kontribyutor sa pambansang antolohiyang *inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Takós, at Lampara Books. Naging Tagarebyu at editor ng Gawad Rolando S. Tinio Translation Prize 2022 ng (NCCA), kategoryang Binisayang Nobela at naging Fellow sa Dapitsuwat sa Lamdag ng Mindanao State University 2022 – Iligan Institute of Technologies, Palihang Rogelio Sicat ng Unibersidad ng Pilipinas 2023, at Iligan National Writing Workshop 2023 (INWW)