Si Christian Jay Raynera ay mula sa Valenzuela City, 28 taong gulang, nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Hospitality Management at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang publishing company sa ilalim ng marketing department. Naging fellow siya ng 5th Valenzuela Writers Workshop noong 2022 sa kategorya ng tula at sa parehong taon ay naglakas loob siyang magself-publish ng una niyang aklat ng mga tula na pinamagatang niyang TENANT.