Binisayang Dinabaw Ang Mga Salitang Dumadapo Sa Aking Dila.
Ang lahat ng aking screenplays ay aking isinalin sa Filipino para matanggap ko ang mga pondong pamproduksiyon na nagmumula sa sentrong Maynila. Samakatwid, ang wikang Filipino ay pangtransaksiyon, hindi natural na wika sa akin. Ang The Prodigal Daughter screenplay ay sinulat ko sa wikang Filipino pero natawa ako kasi parang laging may danas dahil nagsasalin din muna ang utak mula sa aking inang wika patungo sa kompromisong wika para maipahayag ko ng tama ang aking mga ideya. Sinabmit ko ito sa Palanca noong nakaraang taon at pagkatapos ng ilang buwang paghihintay dumating din ang araw na kailangan kong lagukin ng dirediretso ang isang boteng serbesa para matanggap ko ng maluwag sa kalooban ang balitang wala sa listahan ng winners ang aking pangalan. Nitong taon lang, naisip kong magsipag, muling balikan ang aking akda para mag rebisa. Pero mas maigeng maghanap muna ako ng script consultants at ang Likhaan Writing Workshop ang naisip kong aplayan. Maswerte kapag natanggap dahil laging de primera klase ang layn ap ng mga taong babasa at magbibigay ng mga opinyon at mga puna sa aking akda. Nakakatuwa din isiping hindi nila ako sisingilin (sa industriya kapag nag hire kami ng creative producers/readers/consultants ay kami o ang aming prodyuser ang magbabayad), at ang mas nakakatuwa pa sa programa ng Likhaan ang workshop participants pa ang bibigyan ng modest stipend kapag nag attend.
Hangarin kong maisapelikula ang The Prodigal Daughters ang drama na umiinog sa buhay ng isang marangyang pamilya na naninirahan sa hasyenda sa Probinsiya ng Agusan. Sa pang araw araw natin ay hindi natin pinagkakainteresan alamin ang kasaysayan ng produksyon ng palm oil maaring sa kadahilanang hindi rin natin alam na ang halos lahat ng produktong kinukunsumo ng tao ay ginagamitan ng palm oil. Walang margarina, cosmetics, sabon at marami pang iba kapag walang palm oil. At maaring lingid sa kaalaman ng karamihan ang lahat ng mga produktong ito sa globe market ay may dugong inutang. Kalimitan ng mga isyung kinakaharap ng Indonesia at Malaysia sa Palm Oil plantation nila ay child labor. Wage thief ng immigrant workers naman ang isyung kinakaharap ng mga palm plantations na matatagpuan sa Europa. Ang plantasyon ng Palm Trees sa Agusan ay tadtad sa panlipunan-ekonomya, pulitikal at pangkulturang isyus.
Sa lilim ng libo-libong palm trees ng Agusan ay hindi masukat ang mga pighati’t dugo na dumanak dahil sa maigting na kontradiksyong namamagitan sa kapital at paggawa. Sa Agusan, daan-daang pamilya ng mga Lumad ang nawalan ng lupa noong kasagsagan ng Martial Law ni Ferdinand Marcos Sr. Nilapastangan ng gobyerno ang Ancestral Domain. Libo-libong ektarya ang lupang kinamkam nila. Hinawan nila ang kagubatan, pinutol ang de-kalidad na mga puno, pinatag ang libo-libong ektaryang lupain, sinemento ang mga ilog at ginawang kalsada para maitayo ang mga korporasyong nagsisitemang hasyendang pinagmumulan din ng katatagan ng politikal na dinastiya sa Mindanaw.
Ang mga Lumad Mamanwa na tagapangalaga noon ng Ancestral Domain ang naging pangunahing mga manggagawa sa loob ng mga korporasyon. Bawal ang mag unyon pero nag organisa sila at nagwelga. Sa mahabang kasaysayan ng New People’s Army sa Mindanaw ang rehiyon ng Agusan ang isa sa may pinakamatibay sa prenteng gerilya sa kasaysayan at ang karamihan sa mga sumapi sa kanilang hukbo ay ang mga mangagawang nagtrabaho noon sa hasyenda.
Ang The Prodigal Daughters ay hindi eksaktong pagkopya sa kronolohiya ng mga tunay na pangyayari. Naniniwala akong naitala ko ang mga importanteng bagay sa malikhaing paraan. Nailinaw ko ang diskursong incestous ang relasyon ng mga hasyendero sa lupa. Hindi normal ang naging bunga ng lupa sa mahabang panahon ng pag iiral ng mga plantasyon ay matinding kahirapan at karahasan lamang ang idinulot nito sa buhay ng mga Agusanon.
Bagama’t may dalawang dekada na akong hindi napagawi sa Agusan. Nagbago na rin ang sistema nila sa pamamagitan ng pagko contract growers. Pero ang hitsura ng plantasyon ng palm trees, ang operasyon nila sa loob, ang mga manggagawang gumagawa sa lilim ng palm trees ay nanatili pa rin. At ang mga imahen nila ay para itong mga litratong hindi maiwaglit sa aking alaala.
Matagal din bago ko nabuo ang estorya ng The Prodigal Daughters. Kahit noong 2020 sa panahon ng pandemya ang Melbourne, Australia ang may pinakamahabang lockdown ay hindi ako nagklaroon ng tsansang maisulat ang kwento ng The Prodigal Daughters. Mapisikal ang aking trabaho bilang isang manggagawang pang industriyal. Pero habang nasa pagawaan ako ng sampung oras kada araw ay laging umuukilkil sa aking isip ang Palm Tree Plantations ng Agusan. Tinandaan ko ng mabuti ang mga nabuo kong mga eksena at mga karakter na na nagtatahi ng aking estorya. At dinideposito ko ito sa aking alaala.
Taong 2023 nakabalik na uli kami ng aking pamilya sa Los Baños. Nasa papel na ang screenplay ng The Prodigal Daughters.
ABOUT THE AUTHOR
Arnel Mardoquio is a writer, director, and producer from Mindanao, as well as the founder of Sinemindanaw. Under Mardoquio’s leadership, SineMindanaw successfully advocated for the establishment of the FDCP Cinematheque in Nabunturan in 2016, an achievement that reflects his filmmaking ethos and deep commitment to the advancement of regional cinema in the Philippines. He is also a founding member and has held the position of Chairperson of the Advanced League of Peoples Artists (ALPA), a community organization based in Melbourne, Australia. Currently, he serves as the Coordinator of the Concerned Artists of the Philippines, Los Baños Chapter (CAP-LB). Throughout his filmmaking career, Mardoquio has completed 14 full-length films and one short film, garnering numerous accolades from various local and international film festivals and prestigious award-giving bodies. His film Panaw Kalinaw (2010) received the award for Best Regional Film at the Pandayang Lino Brocka Film Festival, while Sheika (2011) was recognized with the Gawad Urian for Best Screenplay and the NETPAC International Award for Best Film. His distinguished work Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim (2013) was awarded Best Film at the Gawad Urian Awards and received the Best Screenplay accolade from the Young Critics Circle. Furthermore, it was honored with the Grand Jury Prize at both the Cinemanila International Film Festival and Cinema One Originals. Riddles of My Homecoming (2013) earned Mardoquio the Best Director award at CinemaOne Originals 2013, while Alienasyon (2014) achieved multiple awards, including Best Film and Best Director from Gawad PASADO, as well as a Jury Prize from Gawad Tanglaw. In 2017, Tu Pug Imatuy (The Right to Kill) was awarded Best Screenplay at Sinag Maynila. In addition to these accomplishments, Mardoquio is a Carlos Palanca awardee, having won both the Grand Prize and Third Prize for short stories. In 2014, he was honored by the City of Davao as one of the ten Art Icons of Mindanao. Mardoquio’s diverse body of work encompasses various artistic disciplines and cultural productions, demonstrating his vision and dedication to political engagement. His discourse addresses themes of region, nation, identity, women, militarization, and resistance, masterfully utilizing filmmaking as tool not just for creative storytelling but more importantly, for provoking conversations aimed at social critique and transformation—striving to create films for change. His producers are currently seeking international funding and support for his two forthcoming film projects, Sintesis Ng Mga Alabok and Prodigal Daugthers.