Day 3 of the 9th ALBWW, SESSION 5: Isang Kaibigan A Friend一个朋友

SESSION 5: Isang Kaibigan A Friend 一个朋友
Fellow: Wendrei Brent Orquiola (Fiction, Filipino)
Panelist: Bonifacio Ilagan

Mala-house plenary hearing session ang pagbubukas ni Bonifacio Ilagan sa ikalimang sesyon ng 9th Amelia Lapena Bonifacio Writers Workshop. Bilang panimula, pabirong kinumpirma ni Ka Boni ang ilang mga fact sa buhay ng fellow na si Wendrei Brent Orquiola o Drei. Ipinakilala ang bawat katha sa koleksiyong Isang Kaibigan A Friend 一个朋友 at agarang hinamon ang lupon na mag-isip labas sa mga kumbensyon. Pero paalala niya: “As artists, you must try to violate the rules. But before you violate the rules, you must know what the rules are.” Tinanggap ni Drei ang hamon at sinabing ang kaniyang pagsulat ay nagsisilbing tugon sa kahingian ng kasalukuyang panahon na umigpaw sa tradisyunal at dikta ng nakasanayan. Dagdag niya, nagsusulat siya sa mga online na platform para lansagin ang umiiral na tunggalian ng naratibo ng katotohanan at kasinungalingan. Ang kaniyang proyekto ay lantarang tugon sa “May Isang Kaibigan”, ang kontrobersyal na kuwentong pambatang inilathala ni VP Sara Duterte sa DepEd na may badyet na 10 milyong piso.

Uminog ang diskusyon sa mga pamamaraan ng page-eksperimento sa porma ng tula at kuwentong pambata, sa proseso ng pagsa-satirize at parodize, at ang pag-anthromorphize sa mga di-taong karakter. Pangunahing punto sa pag-satirize ng mga pulitikal na disposisyon at dispensasyon ay ang halaga ng malinaw na interogasyon ng naghaharing-uri. Dagdag pa rito ang kamalayan sa ephemerality o pagiging panandalian ng kulturang popular na nirereperensya. Napuna din ng lupon ang posibilidad ng mis-intervention– ang ‘di pagiging akma ng napiling porma sa mismong intensiyon ng may-akda. Tinalakay ang kakayahan ng kuwentong pambata at pabula bilang lunsaran ng pulitikal na kritika. Pero ipinaalala ang pag-iingat sa page-eksperimento at pagpataw ng humanness sa mga di-taong sabjek. Higit sa pagpuksa kay VP Sara, iminungkahi na itampok ang kritisismo kay PBBM na siyang may pinakamalaking confidential funds.

Dumulo ang talakayan sa pagbabalik sa hamon ni Bonifacio Ilagan sa pagsulat labas sa mga kumbensyon. Tugon ni Edward Perez ng Artist, Inc., “Maaari namang magsulat nang hindi alam ang mga rules. Pero mahalagang nagsusulat ka sa konteksto ng iyong panahon.”

Recent Posts

About this Site

It is UP Likhaan’s mission to stimulate writers from all parts of the Philippines to create and contribute to national cultural development; and to assert the leadership of the UP in creative writing and in the formation of policies and programs related to the development of Philippine culture and literature.

Find Us

Likhaan: the UP Institute of Creative Writing
Room 3200, Pavilion 3, Palma Hall
Roxas Street, UP Diliman, Quezon City 1101