Si Angelica B. Malillin ay isinilang at naninirahan sa Bulacan. Nagtapos ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Naging Ka-Kalihim at Direktor ng Komite sa Pagpapamiyembro (2021-2022), Pangulo (2022-2023), Direktor sa Komite sa Proofreading at Editing (2023-2024), at miyembro (2020-2024) ng Alyansa ng mga Panulat na Sumusuong (ALPAS), isang pampanitikang organisasyon sa PUP. Naging Fellow ng Palihang Balaraw noong 2021 (Tula), 2022 (Tula), at 2023 (Eksperimental). May-akda ng “ang sarili mong babaylan” sa ikatlong antolohiya na inilimbag ng ALPAS na “Namumukadkad ang mga Mirasol sa Dapithapon”.
Nagtanghal din sa ilang programa at paligsahan bilang aktres, mambabalagtas, at mananalumpati.