Si Ansherina May D. Jazul ay nakapagtapos ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya at ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay naging fellow ng Cavite Young Writers Association (CYWA) taong 2018, Ikalawang Pambansang Palihang Multi-Genre ng PUP taong 2019, UP Writers Club taong 2019, Virgin LabFest taong 2020, at UST National Writers Workshop taong 2020. Nailathala ang kaniyang mga tula sa Liwayway Magazine, Gantala Press, Ani 40 na literary journal ng CCP, DX Machina ng LIKHAAN UP Institute of Creative Writing, at Aruga: Mga Sanaysay ng Pagtanggap at Paglingap ng University of Santo Tomas Publishing House. Siya ay isa sa mga tagapangasiwa ng Lapis ArtCom at miyembro ng Cavite Young Writers Association. Siya ay isang guro sa Filipino. Nagtatrabaho rin bilang scriptwriter, proofreader, editor, at textbook author. Sa ngayon, siya ay isang full-time mom nina Missile, Magic, Mayari, at Mayumi.