Si Arnold Tristan L. Buenaflor, o mas kilala bilang Trist’n, ay isang Instruktor at unyonista mula sa UP Los Banos Rural High School. Isinulat niya ang mga akdang “Koronang Santan”, “Asul na Kumot”, “Iyak Lang, ‘Toy”, at “Si Kara sa Loob ng Placard”. Kasalukuyan din siyang isang gradwadong estudyante sa UP Diliman sa ilalim ng MA Malikhaing Pagsulat. Naging writing- fellow na siya sa Palihang Rogelio Sicat 15 , 7th Amelia Lapena-Bonifacio Workshop, at ang 63rd UP National Writers’ Workshop. Si Trist’n ay ang founding chairperson din ng Kinaiya: Kolektibo ng mga LGBTQIA++ na Manunulat, ang pinakamalaking samahan ng mga baklang manunulat sa bansa. Sa labas ng pamantasan, siya ay naging founding chairperson ng Bahaghari UP Baguio. Noong 2018, siya ay nagawaran ng Ignite Brave Award ng Amnesty International Philippines. Siya ay isang bakla at PWD (Psychosocial disability) na manunulat. Siya ay miyembro ng The Writer’s Bloc, Manunulat sa Kordi, at Ubbog Cordillera Writers. Siya rin ang Founder ng Kinaiya: Kolektibo ng mga LGBTQIA++ na Manunulat. Noong nakaraang taon, siya ay ginawaran bilang Grand Champion sa 2023 Salanga Prize ng Philippine Board on Books For Young People .Itinanghal ng Dulaang UP Baguio ang kaniyang unang dula na “Ang Pagpapalayas Kay Bakunawa” ngayong Mayo 2024. Ang kaniyang pen name ay T.El at ang kaniyang FB page ay Mga Kwentong Santan ni Tristn Buenaflor.