Si Bernardo O. Aguay Jr. a.k.a. Buboy Aguay ay isang manunulat, artista, at direktor ng tanghalan na tubong San Roque, Calabanga, Cam. Sur. Nagsimula ang kanyang pakikilahok sa ganitong gawain noong 1988 nang maisulat niya ang dulang Mga Mumunting Yagit ng Lipunan na kanya ring dinirehe at isa sa mga nagsiganap at naitanghal ito sa siyam na lugar sa Cam. Sur. Ilan sa kanyang mga sinulat at dinerehe ay ang mga sumusunod: “Simeon A. Ola,” entry to the Second National Theater Festival, Cultural Center of the Philippines, February 1996; “Manto,” A Bikol Zarsuela presented in honor of the 300 Years Devotion to Ina, sponsored by the Archdiocese of Caceres in cooperation with the National Commission for Culture and the Arts, 2009-2010; Impersoneytor, dulang may isang Yugto sa wikang Filipino, naipalabas bilang birtwal na panoorin sa panahong ng pandemia kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang bahagi ng e-Pasundayag 2021. Ito ay naisahimpapawid sa Opisyal na FB page ng NCCA, ika-19 ng Pebrero 2021; Sakristan Mayor, dulang may isang Yugto sa wikang Filipino, naipalabas sa Alaminos, Pangasinan, November 4-6, 2019 kaugnay sa Tanghal 14 National Theater Festival 2019 sa pangunguna ng ARTIST, Inc at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).