Si Charles Palma Gollayan ay isang manunulat mula sa probinsya ng Isabela. Sentro ng kanyang interes ang mga kuwentong bayan, katutubong paniniwala at mga sariling karanasan sa Lambak Cagayan. Matatagpuan ang kanyang mga akdang Ibanag, Filipino, o Ingles sa Kinaiya, Katitikan Journal, at iba pang lokal na mga antolohiya. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, kung saan siya naging fellow ng Palihang Rogelio Sicat.