Si Edbert Darwin Casten ay produkto ng iilan sa mga prestihiyosong national writing workshops gaya ng Palihang LIRA (2019), Iligan National Writers Workshop (2020), at Amelia Lapeña-Bonifacio National Writers Workshop (2021). Dati siyang nagsilbing Direktor para sa Komunikasyon ng BAON Collective (2018 – 2021), Editor sa Sobrang Short Stories (2018 – 2023), Lupon ng mga Katiwala sa Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo o LIRA (2021-2024). Isa sa mga tagapagtatag ng Komite para sa Pambansang Araw ng Pagtula sa Lungsod Quezon kasama sina NA Virgilio Almario at iba pang makata, isa rin sa mga nagtatag ng TulasalitaanPH, samahan ng mga makata-boluntaryong nagpapasimuno sa mga timpalak ng tanghal-tula. Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Gawad Artisan Tek for Poetry sa Technological University of the Philippines – Manila, at ang Jimmy Balacuit Award for Poetry mula sa Iligan National Writers Workshop. Ang kaniyang mga gawa ay mababasa sa mga librong Lugaw ni Leni, Pink Parol, KKK, Kakampink, atbp., Pintanaga: Linya-Linya ng Pagsinta, at marami pang iba. Salin ni Edbert ang ginamit para sa “the night is drunk when we suffer” ni RS Magtaan na nagwaging Best Short Film sa Bakunawa Film Festival, Hundred Islands Film Festival, at sa Kota Kinabalu Film Festival sa Malaysia. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang freelance copywriter, editor, layout artist, tagasalin, book designer at community/project manager para sa iba’t ibang kliyente.