Lumaki at nagkamuwang si Glen Patrick Camante sa Marikina. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng digring Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, naging mag-aaral din siya ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino noong 2021 sa naturang unibersidad. Kasapi siya sa Alyansa ng mga Panulat na Sumusuong (ALPAS), isang academic organization sa PUP. Samantala, nalathala na rin siya sa mga dyornal tulad ng PUP Entrada IX, issue no. 5 ng TLDTD, at kamakailan ay naging fellow rin siya sa Palihang Rogelio Sicat 17.