Si Hannah Adtoon Leceña ay guro ng Malikhaing Pagsulat sa Philippine High School for the Arts, Bundok Makiling Los Baños, Laguna. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng doktorado sa Malikhaing Pagsulat sa UP-Diliman. Isang Spoken Word performer mula sa Kiamba Sarangani Province. Nakapagtanghal na siya sa Performatura ng Cultural Center of the Philippines at Free the Word sa ginanap na Conference ng PEN Philippines sa Tanghalang Ignacio Gimenez. Siya ay fellow ng palihan tulad ng Davao Writers Workshop, Silliman National Writers Workshop, IYAS La Salle, Kritika La Salle, Iligan National Writing Workshop, Bathalad-Sugbo Creative Writing Workshop, Amelia Lapeña Bonifacio, Gemino Abad Seminar-Workshop for Teachers in Creative Writing, Palihang Rogelio Sicat at sa darating na UP National Writers Workshop sa Iloilo. Ang kanyang mga Sugilanon at nobela ay nakatanggap ng Jimmy Balacuit Literary Awards for Fiction, Satur Apoyon Prize, PNU Normal Awards at Lampara Prize. Mababasa ang mga akda sa iba’t ibang journal tulad ng Diliman Review, Dx Machina, Luntian, Kawing, Takos, Entrada, TLDTD, Santelmo, Antolohiyang Anti-Katha, Agos, Katitikan, Cotabato Literary Journal atbp. Siya ang Awtor ng Jonas: Nobela sa Wikang Sebwano na inilimbag ng KWF. Tumanggap din siya ng National Book Development Board-Publication Grant 2022 para sa kanyang YA Novel na Si Duday Taga-Baybay na ilalathala ng Aklat Alamid. Siya rin ay nagsasalin ng nobela sa wikang Filipino at wikang Cebuano.