Si Ivan Jetrho Mella ay Spoken Word Artist, Visual Artist, Playwright, at Battle Rap Emcee mula sa lungsod ng Caloocan. Founder ng TulasalitaanPH, kasapi ng KM64 Writers Collective, at Ampalaya Monologues. Nakapag-faciliate at naging Guest Speaker na para sa mga Spoken Word Workshop sa iba’t ibang paaralan, unibersidad, at lungsod. Naging parte ng Pasinaya (2019, 2023), at Performatura (2019, 2023) na nangyari sa Cultural Center of the Philippines. Ngayong 2023 ay writing fellow siya sa 2nd Caloocan Writers Workshop para sa dula, Virgin Labfest 18 Writing Fellowship Workshop, at Iligan Writers Workshop para sa One-Act Play. Sa parehong taon ay nailabas din ang unang libro niya na pinamagatang Mukha ng Pag-uwi. Naging Peters Prize Awardee din para sa One-Act Play noong 2023, Ikalawang gantimpala para sa Pagsulat ng Dramatikong Monologo ng Komisyon ng Wikang Filipino at Ikatlong Gantimpala para sa Pagsulat ng Dulang Tandem ng Komisyon ng Wikang Filipino.