Si Josh Paradeza ay isang manunulat tubong Zambales. Napabilang na siya sa iba’t-ibang palihan gaya ng Iyas National Writers’ Workshop, Palihang Rogelio Sicat, Amelia Lapena Bonifacio Writers Workshop, at Ateneo National Writers Workshop. Pinagpala rin siyang magwagi sa ilang mga patimpalak sa panitikan, kabilang ang Normal Awards at Palanca Awards, maging para sa experimental short films. Mababasa ang ilan sa mga isinulat niya sa Maramihan Anthology at Agos Journal. Sa kasalukuyan, sinusubukan niyang isapapel ang mga tinatanaw na posibilidad ng queer narratives—o anumang attributes nito—at kung paanong ang kwento ay sabay na pagbubuo ng mundo sa sarili at pagbubuo ng sarili sa mundo. Mahilig siya sa tokwa.