Si JOVENER SOTELO SORO, isang Tagalog-Ilokano. Makata at mananaysay. Kasalukuyang nag-aaral sa Benguet State University sa kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino. Siya ay naging fellow sa Palihang LIRA 2024, gayundin naman sa Cordillera Creative Writing Workshop 2023 na ginanap sa University of the Philippines – Baguio City, Maningning Miclat Poetry Workshop na ginanap sa Far Eastern University, PAMIYABE 20 Regional Creative Writing Workshop of Holy Angel University, at Benguet Indigenous Youth Arts Guild (BIYAG) – Creative Writing Workshop taong 2022. Ginawaran siya ng Benguet Indigenous Youth Arts Guild (BIYAG) bilang isa sa Inspiring Young Artist, Movers and Achiever Annual Award (IYAMAN) 2024 sa larang ng literatura. Iginawad sa kanya sa PAMIYABE 20 and 3rd Best’s Panelist Choice Award, at ginawaran ng 3rd Honorable Mention sa Gawad Rene O. Villanueva – Pambansang Timpalak sa Pagsulat ng Personal na Sanaysay 2023. Sa kanyang unibersidad, ginawaran siya bilang Makata ng Taon S.Y 2023-2024, at Literary Writer of the Year S.Y 2021-2022. Siya rin ay nakapaglimbag na ng dalawang libro na pinamagatang “Sulating ni Manasseh: Tula, Sanaysay, Maikling Kwento, at mga Sipi” at “Kalatas ni Ephraim: Likhang Malikhain”.