Si Lari Sabangan (Larry Boy Briones Sabangan) ay ipinanganak sa Metro Manila ngunit nanatili ng mahabang taon sa New Washington, Aklan, tumira rin sa Iloilo at nagtrabaho sa Kalibo. Pang-apat sa walong magkakapatid at may kaibigang isang itim na aso at pusa na sina Bela at Niya.
Nag-aral sa Aklan State University at nakuha ang Master of Arts in Education sa West Visayas State University. Lungsod Iloilo at kasalukuyan ding tinatapos ang Doctor of Philosophy sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nagturo siya noon sa St,. Anne Montessori School, New Washington National Comprehensive High School, Northwestern Visayan Colleges, Regional Science High School, at sa Aklan National High School for Arst and Trades. Sa Maynila naman, naging faculty siya sa De La Salle University, UP Open University, at National University.
Kasapi siya ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL), Aklan Literati (AKLIT), Volunteer Language Transalator sa UP Resilience Institute at Storybook.Org.PH. Nakapagsalin na rin ng mga teksto at babasahin sa Filipino at Aklanon. Naging Content Writer at Language Expert rin siya ng Kagawaran ng Edukasyon sa Aklan. Naging Fellow sa iba’t ibang pambansang fellowship program gaya ng UST National Writers, Palihang Rogelio Sicat, Palihang Rene O. Villanueva, Saling Panitik: Bienvenido Lumbera on Translation, at Gemino H. Abad on Creative Writing ng UP Diliman.
Nakadalo at nakapaglahad na rin siya ng iba’t ibang papel sa mga kumperensiya sa loob at labas ng bansa gaya ng Siliman University, UP Baguio, UP Diliman, Iloilo Mega Book Fair, University of Santo Tomas, gayundin sa Shizouka, Japan na tinanghal bilang Best Presentation ang kanilang papel. Nakapag-develop ng online course para sa Filipino sa tulong ng UPOU.
Nailathala at napabilang sa mga antolohiya ang ilan sa kaniyang mga dagli, tulang pambata, sanaysay, at maikling kuwento sa Filipino at Aklanon sa Kasingkasing Press, 7 Eyes Production, Aklatang Bayan Online ng SWF – UPD, ANI Cultural Center of the Philippines Journal, Komisyon sa Wikang Filipino, UP Press, UST Publishing House, Luntian Journal, at iba pa. Siya ang author ng librong “KAt Nagpamaeaybay Ro Panunduman it Onga” na may saling “Nang Minsang Tumula ang Gunita ng Bata.” Naging Ulirang Guro sa Filipino sa lalawigan ng Aklan at naging finalist din sa Pambansang Ulirang Guro sa Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Ginawaran din siya ng Unang Gantimpala para saPagsulat ng Dula ng KWF para sa kaniyang “Sino Ba Dapat ang Magsaing.”
Siya ay naging Kawaksing Mananaliksik ng Unibersidad sa Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman. Tagapamahalang Editor ng Daluyan Journal at Agos Journal.
Kasalukuyan siya ngayong Katuwang na Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos. Pangarap niyang manirahan sa bundok, mag-alaga ng mga hayop, magkaroon ng sariling farm, at kumain ng sariwang mga gulay at prutas.