Renz Rosario

Makata at manggagawa sa isang pribadong kompanya, si Renz Rosario ay tubong Novaliches, Quezon City. Siya ay naging fellow ng Palihang LIRA 2018 at ng 27th Iligan National Writers Workshop para sa tula sa Filipino. Dati siyang tumayo bilang Supremo ng BAON Collective. Kasapi siya ng Kaisahan ng Artista at Manunulat na Ayaw sa Development Aggression (KAMANDAG) at ng Damdaming Nakapaskil. Nailathala na rin ang kaniyang mga akda sa samot-saring zine at digital publication, kabilang na rito ang sa Katitikan: Literary Journal of The Philippine South, sa Aklatang Bayan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, at sa Journal ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas – UP Diliman. “Sinomang humahalakhak ay hindi pa nagigimbal sa masamang balita,” paborito niyang sipi mula kay Bertolt Brecht.

Award
  • Unang Gantimpala, Makata ng Bayan Challenge (KM64 Writer’s Collective, 2020)
  • Unang Gantimpala, Timpalak sa Pagsulat ng Dalit (KM64 Writer’s Collective, 2019)
  • Unang Gantimpala, Timpalak sa Pagsulat ng Tula (Quezon City University, 2017)
Fellowship
  • 27th Iligan National Writers Workshop
  • Palihang LIRA 2018
Literary Works
  • Logos (Self-published, 2024)
  • Sa Kalsadang Puno ng Pananagimsim at iba pang tula (Bente-Bente Zine, 2024)

About this Site

It is UP Likhaan’s mission to stimulate writers from all parts of the Philippines to create and contribute to national cultural development; and to assert the leadership of the UP in creative writing and in the formation of policies and programs related to the development of Philippine culture and literature.

Find Us

Likhaan: the UP Institute of Creative Writing
Room 3200, Pavilion 3, Palma Hall
Roxas Street, UP Diliman, Quezon City 1101