Nagtapos si Richell Isaiah Flores ng Master in Data Science at BS Applied Mathematics, menor sa Panitikang Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng mga kurso sa matematika sa parehong pamantasan. Naging fellow siya ng 25th Ateneo Heights Writers’ Workshop (AHWW) para sa Tula, 28th AHWW para sa Nonfiction, at Palihang LIRA 2021 (Batch DINIG). Noong 2023, natanggap niya ang Loyola Schools Awards for the Arts (LSAA) para sa Panulaan, isang gawad pansining para sa mga mag-aaral ng Ateneo. Kasalukuyan siyang kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at naglilingkod bilang komite sa Palihang LIRA. Nagsusulat siya tungkol sa wika, alaala, at lungsod. Nailathala ang kaniyang mga tula sa HEIGHTS, ang foliong pampanitikan ng Ateneo, at sa kaniyang chapbook na dungaw (2023). Naniniwala pa rin siyang Red Velvet – Psycho SOTY 2020. Taga-Paombong siya.