Si Vim Nadera ay propesor sa University of the Philippines at fellow ng Likhaan: U.P. Institute of Creative Writing na pinaglingkuran niya bilang Director habang Tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas at kasapi ng National Committee on Literary Arts. Kolumnista sa Manila Bulletin (2008), Rappler (2014), Diyaryo Filipino (2016), Hataw (2019), at Pilipino Mirror (2023) — siya ay naging editor-in-chief ng The Varsitarian na nagbalik sa University of Santo Tomas sa College Editors Guild of the Philippines noong 1986. Ginawaran siya ng Parangal Hagbong noong (2020), UP Diliman Centennial Professorial Chair (2021), One UP Professorial Chair (2022), Rotary Club of Tayabas Central Award for Excellence (2022), Tayabas West Central Elementary School Most Distinguished Alumnus Award (2023), Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo Gawad Jacinto (2023), at Golden Leaf Presidential Award para sa Performance Art (2024). Artist II siya sa ilalim ng UP Arts Productivity System (APS) Batch 2022-2024.