Nagbabalik ang Walang Aray ng PETA, na parang isang liham ng pagmamahal.
Sa pusong di takot umibig, nagbabalik ang Walang Aray ng PETA upang ipaalala sa atin na sa kabila ng sakit at pasakit, sa pananatiling tumitindig sa bawat dagok, laging may tamis, ginahawa, at lubos na kaligayahang hatid; ganito ang himig ng nasabing dulang nag-umpisa nang magpalabas noong ika-29 ng Agosto, at magwawakas sa ika-12 ng Oktubre.
Sarsuwelang kuwela, na umaalala’t nagpapalala:
Bilang adaptasyon ni Rody Vera ng sarsuwela ni Severino Reyes— ang Walang Sugat— isang patuloy na tagumpay ang hatid nitong palabas sa muling pagpapakilala ng sarsuwela. Ika nga ni Jun Reyes– apo ni Severino– bukod sa paghahandog nito ng pagpapaalalang sa kabila ng aray ay may pagmamahal at saya na dapat nating damhin, isa rin itong pag-alala at pagpapakilala sa bagong henerasyon sa likha ni Severino Reyes at sa sarsuwela bilang bahagi na kultura, sining at musika ng Pilipino.
Chuva Choo-Choo, sa kabila ng Pakisabi Na Lang at Pagdating ng Panahon.
Isang katangian ng dula ay ang pagpapatawa. Ginagamit ng dula ang pagpapatawa bilang isang instrumento ng komentaryo sa panlipunang isyu (social commentary). Ito rin ang dahilan nila kung bakit muling isinaentablado ito, ang magtanghal sa paraang mas magaan at mas madaling tanggapin at iproseso, hindi upang malunod sa hapdi ng absurdo’t biro ng bansang kinahaharap ngayon—bagkus, para magpatuloy na lumaban. Sa tuwing nagbabahagi tayo ng biro o sabayang halakhak, nabubuo rin ang ugnayan at pagkakapit-bisig, tanda na hindi natin kailangang harapin ang sakit nang nag-iisa. Higit sa lahat nagdadala ng pag-asa ang komedyang alok; isang paalala na sa kabila ng dilim at dalamhati, may kakayahan pa rin tayong ngumiti, tumawa, at maging mas matatag sa pagsubok na makakaharap.
Dala-dala’y buslo, Sisidlan ng Sinta
Sa muling pagbabalik, bitbit ang mga dating rason kung bakit tayo napaibig sa dula, kasabay ng mga bagong sisintahin sa dulang ito. Kasama sa bagong maghahatid ng pag-ibig ay sina Divina Aucina bilang Monica, Rendell Sanchez bilang Miguel, at Lance Reblando bilangJulia. Isang pasabog na hindi love bombing ang hatidng produksyon sa pagpasok ng dalawang artistang kilala sa pagpapakilig at pag-awit tungkol sa danas ng pag-ibig, Ice Seguerra bilang Lucas at Jolina Magdangal bilang Juliana!
Halina’t tumindig at umibig pa more. Watch PETA’s Walang Aray! Puntahan ang kanilang Facebook page sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa dula.