KILALANIN ANG WORKSHOP DIRECTOR AT MGA PANELISTA NG IKA-10 NA AMELIA LAPEÑA-BONIFACIO WRITERS WORKSHOP!

Ang Workshop Director ng Amelia Lapeña-Bonifacio Writers Workshop (ALBWW) ang namumuno sa pangkalahatang bisyon, pagpaplano, at pagsasakatuparan ng workshop. Siya ang nangangasiwa sa pagpili ng mga fellow at panelista, pagdidisenyo ng daloy ng programa, at pangangasiwa sa mga sesyon upang maisulong ang makabuluhang palitan ng kaisipang pampanitikan. Bilang pangunahing tagapagtipon, tinitiyak ng direktor na napapanatili ng workshop ang mga pagpapahalaga sa kahusayan sa panitikan, inklusibidad, at paggabay na hango sa pamana ni Amelia Lapeña-Bonifacio.

Ang mga panelista para sa ika-10 Amelia Lapeña-Bonifacio Writers Workshop ay magsisilbing mga mentor, moderator, at aktibong kalahok sa malikhaing proseso. Bawat panelista ay inaasahang mamahala sa dalawang workshop session at maghahanda ng komento para sa lahat ng isinumiteng akda. Magiging bukas din sila para sa one-on-one consultations kasama ang mga fellow sa buong panahon ng workshop. Bukod dito, magbibigay ang mga panelista ng maikling craft lecture tungkol sa paksang kanilang pipiliin. Higit sa lahat, tumutulong sila upang matiyak na ang workshop ay nananatiling isang magalang, inklusibo, at ligtas na espasyo para sa lahat ng kalahok.

WORKSHOP DIRECTOR

Will P. Ortiz

Nagtuturo si Will sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman sa larangan ng Malikhaing Pagsulat.  Nagkamit na siya ng mga parangal mula sa Palanca Memorial Awards at ang kanyang aklat na Bugtong ng Buwan at Iba pang Kuwento (UP Press, 2011) ay nagawaran ng Madrigal-Gonzalez First Book Award, mga maiikling kuwento ukol sa batang manggagawa. Nakatutok sa tinatawag niyang kagila-gilalas na realismong bayan ang kanyang mga panulat tulad ng  Ang Pagbabalik ni Maria Makiling Unang Aklat (UP Press 2015),  Si Maria Makiling at ang Alamat ng Animas Anya (UP Press, 2018), Ikalawang Aklat, Ang Lihim ng Lagusang Dalem (UP Press, 2024) at ang huli sa tetralohiya ng mga nobelang Makiling—Si Maria Makiling sa Sinapupunan ng Hukluban ay nailathala ng 2025.

Nailathla na rin ang nobelang Mito/s ngayong taon, nobelang YA ukol sa kapangyarihan ng mito, at ng kasaysayan. Nailuwal na rin ang antolohiya ng CNF/malikhaing di-piksiyon ukol sa patograpiya, ang Sakit ng Kalingkingan: Patograpiya ng Katawan, Damdamin at Isipan. Isa siya sa mga editor ng antolohiyang ito.  Ilulunsad din ngayong Marso ang Balang Araw, Bulalakaw, antolohiya ng mga kuwento at tulang pambata mula sa mga fellow ng Palihang Rene O. Villanueva.  Isa siya sa mga editor nito kasama si Eugene Y. Evasco. Tagapamahalang Opisyal si Will  sa Sentro ng Wikang Filipino-UPD. Naging kawaksing editor siya ng mga dyornal na Agos at Daluyan ng SWF.

Nalathala na rin ang kanyang mga artikulo ukol sa panitikang pambata rito at sa labas ng bansa. Nakatuon ang kanyang mga panulat at pananaliksik sa usapin ng bata, babae, bayan at ang kagila-gilalas.

MGA PANELISTA

Eugene Y. Evasco

Propesor ng malikhaing pagsulat at panitikan si Eugene Y. Evasco sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Naging Research Fellow siya sa International Youth Library sa Munich, Germany. Nagwagi siya bilang 2000 Makata ng Taon at 2020 Mananaysay ng Taon mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ang kanyang Ang Aklatang Pusa (The Cat Library) ay napabilang sa White Ravens List noong 2019. Nagantimpalaan siya ng dalawang Catholic Mass Media Award at dalawang Cardinal Sin Book Award para sa kaniyang mga maikling kuwento at aklat pambata. Siya ay kabilang sa Hall of Fame ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ginawaran ng Dangal ng Panitikan 2021, isang lifetime achievement award mula sa  Komisyon sa Wikang Filipino. Kasalukuyan siyang resident fellow sa Likhaan: UP Institute of Creative Writing. Inilathala ng Scholastic noong 2023 ang kanyang picture book na Pahiyas: Planting Rainbow Seeds. Sa taong 2024, naparangalan siya ng Certificate of Honour for Writing mula sa International Board on Books for Young People; Gintong Aklat Award for Poetry in Filipino para sa kanyang Lata ng Salaginto: Mga Tulang Pambata; at ng dalawang Severino Reyes Honor Medal para sa picture book at storybook. Siya ang nominado ng Pilipinas para sa kategoryang manunulat sa 2026 Hans Christian Andersen Medal.

Luna Sicat Cleto

Luna Sicat Cleto is a fictionist, essayist, poet, playwright, scriptwriter, and academic. She is the author of Bago Mo Ako Ipalaot, a poetry collection which was published as a bilingual edition in German/Filipino in 2024 as Offenes Meer in the Edition TincaTinca in Winterthur, Switzerland. The collection received an award from Litprom in the same year. Her book Huni at Pakpak (2024) won as the best book of the year for Drama/Film in the 2024 National Book Awards. She has written two novels, Makinilyang Altar (2002), and Mga Prodigal (2010). National Artist Tony Mabesa directed her one-act play Maternal. She also wrote scripts for the TV programs and wrote short stories anthologized in various collections. She is also editor or co-editor of a number of fiction and nonfiction collections.

Cleto received numerous awards for her writings. In 1987, she won the Gawad CCP para sa Panitikan. In 1990, she garnered the Timpalak Panitik ng Diyaryo Filipino. In 2003, she won  Gawad Tsanselor and University of the Philippines Presidential Distinction awards for creative work. The next year, her novel Makinilyang Altar won the 2004 Madrigal-Gonzalez Best First Book Award. She has also won numerous awards at the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature for children’s stories, poetry and essays.

She was born on January 29, 1967 in Pasig City. She obtained her bachelor of arts in film and audiovisual communication at UP Diliman, where she also finished her degrees in Master of Arts in Filipino (Literature), and Doctor of Philosophy in Creative Writing in Filipino. She also teaches creative writing and literature at the said university and is a fellow at the Likhaan: UP Institute of Creative Writing. She is also the faculty adviser of the University Performing Group for Philippine Theater, The UP Repertory Company.

Lalaine F. Yanilla

Lalaine F. Yanilla Aquino, Ph.D., teaches children’s literature, writing for children, and stylistics among other courses. Her studies on children’s literature and her fiction for young adults have been published internationally. She has also served as judge for the Don Carlos Palanca Awards for Literature for short story for children and poetry for children.

Erik Guzman Pingol

Si Erik Guzman Pingol ay isang nobelista, ilustrador, at senior art director na may mahigit nang dalawang dekadang karanasan sa graphic media. Siya ang may-akda ng Palanca Grand Prize-winning nobelang Agaw-Anino at iba pang akdang nagsasanib ng tekstong nakasulat at biswal, kabilang ang Kung May Sining sa Pagkabulok, Wenn es Kunst im Verfall Gäbe*, Garapitik, at Parched Earth Chronicles. Bukod sa kanyang trabaho sa industriya, nagsisilbi rin siyang konsultant at guro sa larangan ng panitikang biswal at multimedia. Sa kanyang mga likha, patuloy niyang hinahamon at pinapalawak ang hangganan ng pagkukuwento para sa susunod na henerasyon ng panitikan.

Caris Avendaño Cruz

Caris Avendaño Cruz is the author of Marikit and the Ocean of Stars and The Boy, the Mountain, and the Serpent Who Ate the Moon. She works as a copywriter for internet brands and cool businesses, but in her spare time weaves tales steeped in magic, mischief, and Filipino folklore. She lives in Bulacan, Philippines, and is constantly distracted by a family of comically-named cats.

Elyrah L. Salanga-Torralba

Si Elyrah L. Salanga-Torralba ay nagtapos ng PhD Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Siya ay nagtuturo ng Malikhaing Pagsulat at Panitikang Pilipino sa Departamento ng Filipino sa UP Diliman. Ang kaniyang mga akda ay pinarangalan ng mga sumusunod na gawad mula sa NCCA Writers’ Prize, Carlos Palanca Memorial Awards, Gawad Collantes, at Talaang Ginto. Ang kaniyang mga sanaysay, maikling kuwento, at tula ay nailathala sa mga antolohiyang tulad ng Ani Journal ng Cultural Center of the Philippines, Agos Refereed Journal ng Malikhaing Akdang Pampanitikan ng Sentro ng Wikang Filipino, Dadaanin ng Anvil Publishing, Mga Kuwentong Paspasan ng Milflores Publishing Inc., Philippine Humanities Review ng College of Arts and Letters – UP Diliman, Kuwentong Siyudad ng ADMU Press, Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular ng Ateneo de Manila University Press, at Like/Unlike ng Flipside Publishing. Naging co-awtor rin siya ng mga antolohiya/textbook tulad ng Malikhaing Sanaysay: Anyo, Kasaysayan at Antolohiya at Malikhaing Pagsulat para sa Senior High School. Nagsilbi rin siyang isa sa mga katuwang na editor ng Lagda Journal, Manlilikha Journal Tomo 3 ng Departamento ng Filipino sa UP Diliman, at ng Agos Journal ng Sentro ng Wikang Filipino. Siya rin ang may-akda ng Nanay and the Moon, isang antolohiya ng mga tula para sa mga bata, at First, A Warning (Mga Kuwentong Hindi Para Sa Lahat). Ang kaniyang librong Nanay and the Moon ay kasama sa Philippine Exhibition sa Bologna Children’s fair noong 2024 at 2025, Abu Dhabi International Book Fair 2025, at sa Asian Festival of Children’s Content sa Singapore noong 2024.

About this Site

It is UP Likhaan’s mission to stimulate writers from all parts of the Philippines to create and contribute to national cultural development; and to assert the leadership of the UP in creative writing and in the formation of policies and programs related to the development of Philippine culture and literature.

Find Us

Likhaan: the UP Institute of Creative Writing
Room 3200, Pavilion 3, Palma Hall
Roxas Street, UP Diliman, Quezon City 1101